PBA

PBA
2015 PBA Season Free Live Streaming Online Viewing: PBA 40th Season (Every WEDNESDAY, FRIDAY, SATURDAY & SUNDAY)

Friday, October 24, 2014

Ginebra welcomes a wiser, more multi-dimensional Joseph Yeo


I'm still not used to it. Maybe Joseph Yeo is also still getting used to it. The Ninja is wearing Ginebra red now playing alongside Mark Caguioa and LA Tenorio. But even if the philosophical meaning of playing for Ginebra hasn’t sunk in yet, Yeo seems already at ease playing for a new PBA team, playing alongside new teammates.


During Ginebra’s season opener against Talk ‘N Text, Yeo was the chatty newcomer. Very active. Very vocal. He even told Tenorio after a Ginebra turnover, “Mababa yung pasa.” That is honesty coming from ease. Perhaps it’s likewise candor coming from trust. For a team yearning to win it all again, to have talent and trust displayed by both returning and new players is always a great sign.

MH: On the day na nalaman mo na you were headed to Ginebra, ano yung unang naisip mo?

JY: Siyempre inisip ko kung paano ako makaka-adjust sa kanila. Yun yung pinaka-concern ko. Kung makakalaro ba ako. Baka parang sa San Miguel noon na iniisip ko kung makakalaro ba ako, alam mo yun? Baka eto na naman ako, pahinga na naman ulit ako (laughs), di ba?

MH: Kinabahan ka din?

JY: Oo. Hindi ako sure. Actually noong nalaman ko na Ginebra ako chi-neck ko agad kung sino yung mga nasa Ginebra. Yun ang inalam ko kaagad kung sino mga players ng Ginebra.

MH: Kailan mo nalaman na okay ka sa Ginebra? Na makakalaro ka? Kumbaga kailan nawala yung takot mo na baka mawala na naman yung minutes mo?

JY: Unang dating ko pa lang sa practice si Coach Jeff (Cariaso), very open siya sa mga roles. Kinausap niya ako agad about it. Sabi niya kami ni Mark (Caguioa) mag-i-i-split ng minutes sa off-guard spot. Parang ako, naisip ko na kami lang dalawa ni Mark ang off-guard and JayJay (Helterbrand) will play point so naisip ko na, okay, makakalaro naman pala ako.

MH: In your first game with Ginebra starter ka pa and you played major minutes. Are you happy with your role this early in the tournament?

JY: Actually sa preseason pa lang, si Coach Jeff nilalagay na niya ako sa starting five. Bina-balance kasi niya yung first and second group. Marami naman kaming scorers dito. Like ilalagay niya si Mark sa second group para yung first group malakas and yung second group malakas pa rin.

MH: Can you describe your working relationship with Mark Caguioa?

JY: Sobrang okay. Madali naman pakisamahan si Mark. Unang dating ko pa lang sinabi na niya sakin, ‘Marami nang dumating sa Ginebra kaya huwag ka mahihiya and just do your thing.’ Kasi maraming napupunta sa Ginebra hindi nakakalaro and then pag ginamit walang kumpyansa. So sabi niya, ‘Kung ano confidence mo na nakuha mo sa Air21, ganoon pa rin ang laruin mo pare.’ Sabi niya, ‘Huwag mo isipin na madaming player. Laruin mo lang yung laro mo.’ Sabi niya, ‘Pare dito gusto natin manalo and it doesn’t matter how many minutes you play or how many points you score basta manalo.’ Yan na kasi yung concern niya ngayon eh. So sabi ko sa kanya, ‘Yan na rin concern ko ngayon pare.’

MH: During your game against Talk ‘N Text, nakita ko na very talkative ka na with your teammates. Kinakausap mo lagi si LA (Tenorio) on the court. Is that a sign na very at-ease ka na with your new team?

JY: Isa na rin kasi ako sa mga veterans, kami nila LA. After nila Mark and JayJay, parang kami na nila LA yung next na matanda dito. Kami naman ni LA, okay naman yung relationship namin from before pa during Harbour Centre days pa yun. Sabi ni LA, ‘Pare okay ‘to na magkakampi tayo. Every time magkakampi tayo, nananalo tayo.’

MH: I remember one play during opening day. Pinasa ni LA yung bola kay Greg (Slaughter) and nabitawan ni Greg kasi medyo mababa yung pasa. Lumapit ka kay LA afterwards and sabi mo, “Mababa yung pasa.” So ganoon kayo ka-comfortable ni LA na pwede kayo mag-usap that way?

JY: Ah oo. Well, nakikita ko kasi dati parang lagi silang nagkakainisan sa court. So kung lagi tayong magkakainisan sa court, walang mangyayari. Kailangan may pasensya tayo. Kasi si Greg, kahit siya yung superstar namin, second year pa lang niya. Marami pa siya matututunan. Kahit si Greg yung gumagawa sa amin kailangan may pasensya pa rin kami sa kanya dahil marami pa din siya ma-i-improve.

MH: Parang very mature na outlook mo sa basketball, Joseph. Is it because matagal ka na sa PBA and tingin niyo sa sarili niyo, like kayo ni LA, mga kuya na kayo for Japeth (Aguilar) and Greg?

JY: Oo kaya ganyan na approach namin. Kung lahat kami gusto maka-score, walang mangyayari. Yun nga advantage talaga namin, yung dalawa, si Greg and Japeth kasi ang lalaki nila, seven footers sila, wala talagang ka-match-up. Kaya yun talaga strength ng team namin.

MH: Noong kinausap ka ni Coach Jeff, sinabi ba niya kung bakit ka kinuha ng Ginebra?

JY: Sinabi lang niya sa akin na he wants players na gusto lang manalo. Gusto niya yung players na willing mag-sacrifice para manalo. Feeling niya I’m the type of player na ganun kasi ang dami ko nang team na napuntahan. Nakita niya nag-mature na ako as a player. Kasi nakita niya dati shoot lang ako ng shoot noong nakalaban ko siya. Pero ngayon nakita niya nag-mature na ako. Yun ang gusto niya.

MH: I think your stint with Air 21 and ginawa ka pang point guard ni Coach Franz (Pumaren), parang nagbago tingin sa’yo ng mga coach. Tama ba?

JY: Totoo yun. Nakita nila and sabi nila, ‘O marunong na pumasa ‘to ah.’ (Laughs). Noong napunta ako Air 21 parang lumabas ibang dimension ng game ko. Okay din pala yung ganito.

MH: Now that you’re with Ginebra, may nararamdaman ka bang ibang klaseng pressure? Or is it just like any other team that you’ve played for?

JY: Every time maglalaro ka for Ginebra, ang daming nanonood. Feeling ko that’s the main difference. Pero other than that, pare-pareho lang naman yan. Everyone wants to play for Ginebra kasi ang daming nanonood. Lahat ganado.

MH: At this stage of your career, are you happy and satisfied with your PBA career now?

JY: Dalawang championship na nakuha ko. Isa sa Sta. Lucia and the one with Petron pero injured pa ako noon. So dalawa pa lang yun out of my going on 9 years na (in the PBA). Dalawa pa lang sa dami ng conferences. I can’t be satisfied with that. Parang kulang. Kahit si LA, gusto pa niya manalo ng championships. Okay nga laro mo pero bottom line talaga manalo ng championship. Lalo na kami, yung mga matagal na sa league, yan talaga ang goal.

Credit to: Mico Halili

No comments:

Post a Comment